Ako ang Simula
ni Ranny Sion Doctolero
Pilipinas.
Mahal kita bansang sinilangan,
Tinatangi ka ng puso at isipan,
Ipagtatanggol kita sa lahat ng digmaan.
Ngunit ngayon tila walang magawa,
Iginapos ako gamit ang sariling dila.
Kahirapan.
Bakit ganun, puno ng pagusbok?
Ang iyong gobyerno, pamamalakad ay bulok.
Ang tuwid na daan, biglang bumaluktot.
Ang kahirapan ng tao ay biglang yumabong,
Kasabay ng pagbagsak ng pangarap kong umahon.
Kapangyarihan.
Sila na lang ba ang laging may alam?
Mga taong sa pera ay nagpapaligsahan?
Mga buwayang magnanakaw ng pera ng bayan?
Mga mayayamang lalong yumayaman,
Ni magmahal ng wika ay di yata alam.
Kaunlaran.
Kung hindi sa akin, kanino magsisimula
Ang pag-unlad ng bayan gamit ang sariling wika?
Kung ako ay maghihintay ng isang tatayo,
Baka ako'y maghintay ng isa pang milenyo.
Pilipino.
Kaya gamit ang maikling akdang ito,
Aking ginigising ang diwang maka-Pilipino.
Imulat ang mata sa katotohanan
Na ang problema sa wala sa ating paanan.
Bagkus ay nasa utak ng mamamayan
At kailangang lunasan habang maaga pa lamang.
(Entry para sa Buwan ng Wika na may temang: "Filipino, Wika ng Pambansang Kaunlaran".)
No comments:
Post a Comment